Bagay name,Simpol but terrible. Ang dami ko po Chef natutunan. Simple dishes turned classy. Lahat ng procedure at ingredients, pinapadali mo sakin. Favorite ng mga ana ko ang siomai mo na akalain mo ay may gata. Shanghai with sarsa ni Mang Tomas. Swak at budget wise din po mga sangkap nyo.
Testimonials

My son is under Spectrum. Gustong gusto nya yung potatoes, french fries, baked potato, KFC na mojos, lahat hindi pwede ma-avail during pandemic. Lalo na tight ang budget. Need ko din potato kasi low potassium din po ako. I saw one of your featured video, yung paggawa ng mojos. Napaka-Simpol. Nagustuhan ng anak ko, I would like to thank you for that. Malaking tulong for me, tipid, safe kasi no need to go out at enjoy nyo unlimited kasi nag stock na ako sa fridge dahil na din sa help mo to maintain crispy at textured potatoes by boiling it with vinegar. Salamat. God bless you more po.

Thank you so much Chef Tatung sa mga tinuro mong recipes. Mas napadali ang pag luto ko, sa oras, sangkap at simpleng pagluto. Masarap pa.

Ako, dahil sa impluwensya nyo Chef Tatung, ngayon lang ako nagkaroon ng huwisyo sa pagluluto at yon e kung kelan ngayong senior na ako. Parang ngayon lang ako nagkaroon ng malay na sa tinagal tagal ng panahon, pwede rin palang sumarap ang lutuin sa diskarte na natutunan ko sa inyo. Kaya, to you Chef, salamat at dumating ka sa buhay ko. God bless you po

Very helpful po sa isang tulad ko na working mother ang simpol, gustung gusto ko po yun mga featured dishes na ilalagay na lahat ang mga ingridients then papakuluan lang ayus na like yun pork Humba, pares atbpa. Now that we are also in the new normal, going in the mall to dine is also a hassle thats why those featured recipe ala fave restaurant we can also do it at home. Also , i like the idea of chef of giving menu that the ingriedients are readily available in the kitchen or can be substituted easily .Thank you Chef, my cooking ability greatly improved because of you!

You made cooking very Simpol and making life easier especially this pandemic time. May God bless you more with more Simpol dishes but most of all, God bless you with good health and more success so you can reach out to more housewives and aspiring cooks!

Marami akong natutunan sa SIMPOL kahit bihasa na ako sa kusina madami pa din akong mga natutuklasan na paraan para maging simpol ang pag luluto at isa ang SIMPOL sa nakakatanggal ng stress ko. Lagi ko inaabangan mga video ni Chef pati apron ng SIMPOL meron na din ako.

I never thought I can cook with a style, Simpol yet appealing to the eyes and taste buds. Sobrang thankful ako sa everyday dishes na natututunan ko, level up ang style yet super Simpol gawin. Thank you Chef Tatung, feeling expert na ako sa kusina

Mahirap kaya mag-isip ng everyday meals for our family! Thank God! The Simpol recipes from Chef Tatung made our life easier! Less complicated ang mga recipes, madali pang gawin at kung ano lng ang available na ingredient/s sa inyong bahay. Hindi mo aakalain na magagawa mo pala ang isang dish in an easy way and yung mukhang sosyal pa ang dating nung dish! hahaha… Thank You Chef! Thank You Simpol! God bless and More delicious recipes to come!

Our Partners







